Estudyanteng walang mga kamay na gumuguhit gamit ang paa, hinangaan

849
Photo: James Konstantin Galvez Facebook

Kinagiliwan ng netizens ang 16-anyos na estudyante mula Olongapo City dahil sa angking galing nito sa pagguhit gamit ang kanyang mga paa, sa ginanap na Division Schools Press Conference (DSPC) kamakailan.

Sa facebook post ni James Konstantin Galvez, makikita si Angel Mae Otom, kalahok bilang editorial cartoonist ng DSPC, habang gumuguhit ito sa isang blankong papel gamit ang paa na agad na umani ng papuri.

Ayon sa post ni Galvez, “Whoa!!! Look, ma, no hands! Came across Angel Mae Otom while she’s doing her piece for the editorial cartooning contest. She’s handicapped, born with no arms, but that did not stop her from doing what she love…”

INNITY ADS

Ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na sumali si Otom sa naturang patimpalak, ngunit maraming parangal na umano ang natanggap nito mula sa iba’t -bang laban sa pagguhit sa kanilang lalawigan.

“It was her first time to join the contest but the quality of her work is already at par with other best cartoonists around. Hope she gets podium finish at the NSPC,” pahayag pa ni Galvez.




Marami sa mga netizens ang agad nagbigay ng magagandang komento at papuri.

Magsisilbi raw inspirasyon sa maraming campus journalists si Otom.

Kasalukuyan namang hinihintay ang resulta ng nasabing kompetisyon.