9-anyos, sinagip ang paslit na nabulunan sa candy

291
File photo

Batang bayaning maituturing ang isang 9-taon-gulang na lalaki matapos tulungan ang nakakababata niyang pinsan na nasamid sa piraso ng candy.

Magkakasama si Timothy Prather, pinsan niyang si Connor, at ang lolo’t lola nila sa isang rodeo sa Tennesse, USA, nang mangyari ang insidente, ayon sa ulat ng WREG.

Kuwento ni Prather, umiiyak at sige sa pagtadyak sa sahig habang nakahawak sa lalamunan ang kanyang pinsan noong oras na iyon.

INNITY ADS

Sinubukan daw ipatiwarik ng kanyang lola si Connor, habang hinihimas naman ng lolo ang likod nito nang maisip niyang may mali.

Dito na umentra si Prather na lumuhod at niyakap mula sa likuran ang paslit, saka sinimulang diinan ang tiyan ng kanyang pinsan.




Tinatawag na Heimlich maneuver ang prosesong ito na ayon sa 9-anyos ay natutunan niya mula sa poster na nakapaskil sa kanilang eskwelahan at ilang YouTube videos.

Nakarating naman ang balitang ito kay Brandi Wardlow, ang guro na nagpaskil ng poster tungkol sa Heimlich maneuver.

“We never know when they’re watching, what they’re picking up on. To think this little poster here saved his cousin’s life, it’s amazing,” komento ng guro.

Ibinahagi naman ng chief executive officer ng YouTube na si Susan Wojcicki ang kuwentong ito sa kanyang Twitter at sinabing, “Important reminder that YouTube has lots of valuable short, instructional videos including what to do if someone is choking.”