8-anyos, nagsimula ng charity para ibahagi sa mga kaedaran ang hilig sa pagbabasa

122

Lumilibot na sa iba’t-ibang paaralan ang isang 8-taon-gulang na batang lalaki sa Florida, US, hindi para dumalo sa klase, kundi para magbasa ng libro sa mga kaedaran niyang estudyante.

Dati ay libangan lang ni Landric Keys ang pagbabasa, hanggang sa lumalim sa puntong bumuo siya ng sariling charity para ibahagi ang kinahuhumalingang gawain.

“I learned my love of reading from my kindergarten teacher. Reading is inside every subject and if you don’t know how to read, you could fail,” kuwento ni Landric sa ulat ng Fox 13 noong Pebrero 13.

INNITY ADS

Sinimulan ng paslit ang kawanggawang “Landric’s Read and Share” sa layong maipakita sa kanyang kapwa ang kahalagahan ng pagbabasa.

Kaugnay nito, bumibisita sa iba’t-ibang elementary school si Landric para magbasa at bigyan ng librong puwedeng iuwi ang mga estudyante.




PHOTO via Fox 13

Hindi naman inasahan ng mga magulang ng bata ang kanyang naging desisyon na nabuo noong binigyan siya ng kanyang lola ng pera bilang regalo sa Pasko.

“When my great-grandmother gave me $100 (P5,000) for Christmas, she asked me what I planned to do with it, and I said I wanted to start my own charity called ‘Landric’s Read and Share’,” aniya.

Suportado naman ito ng kanyang mga magulang na sina LaSante at Zenita na labis na ipinagmamalaki ang anak.

“We’re just proud of him and we always tell him that the sky’s the limit,” ani Zenita.

“Whatever he wants to do, we’re always supportive of him and if there is something he wants to do, we’ll always support and do what we can to help him accomplish his goals.”